top of page

3 babaeng nagpanggap na customer, nagnakaw ng P1-M halaga ng mga alahas

  • Writer: Mark Romero
    Mark Romero
  • May 28
  • 2 min read

[MATTEO]

Kunwaring customer at nagpa-reserve pa ng mga alahas -- Pero ang ending, magnanakaw pala sila! Na-a sa Frontline ning balita si John Aroa ng News 5 Visayas!


[ROLL VO]

Nakunan sa CCTV ng isang jewelry shop sa Cebu City, ang tatlong babae na may takip na tela ang mga ulo at may suot na mga facemasks.


Tila mga ordinaryong customer na tumitingin at nagsusukat ng mga alahas; Isa sa kanila, pinakuha sa tindera ang bracelet sa estante para mabusisi.


Muli nitong itinuro at ipinakuha ang iba pang alahas. Habang abala ang staff, palihim namang isinuksok ng babae ang naunang bracelet sa kaniyang bulsa.


Dahil sunod-sunod daw ang pagtuturo at pagsusukat ng alahas, hindi na napansin ng staff na may mga hindi na naibalik sa kanila.


Dalawang bracelet at isang kwintas ang nakuha ng mga babae, na aabot sa higit sa isang milyong piso! Hindi rin naman daw talaga bumili ang mga ito, pero pina-reserve daw nila ang mga napiling alahas.


Huli na nang mapansin ng may-ari ng shop na nanakawan sila.


[PAUSE FOR SOT]

Nang mai-post ang CCTV Footage sa social media, napag-alamang marami na palang nabiktimang jewelry shop ang mga ito! Nakatakip din ang mga mukha nila noong manalisi.


Sa ngayon, patuloy pa ang pagtugis ng mga pulis ang mga salarin.


Tinanggal naman sa trabaho ang staff na naka-duty noong mga oras na nangyari ang modus; Iniimbestigahan din siya para matiyak na walang naganap na inside job.


Nananawagan naman ang may-ari ng jewelry shop, sa kung sino man ang nakakakilala sa mga suspek na makipag-ugnayan agad sa mga pulis.


[EXTRO THEN END]



Publication Details

Aired at TV5 - Frontline Pilipinas

Released in May 28, 2026

Report by John Aroa

Produced and Co-Written by Mark Romero

Newscasted by Matteo Guidicelli

Edited by Erika Factor

Original News: Click Here


Comments


  • Grey Twitter Icon
  • Instagram
  • LinkedIn

© 2026 by Mark Romero. Proudly created with Wix.com

bottom of page