LeBron James, iba pang sports icon, bumida sa kauna-unahang ‘Time 100 Sports’
- Mark Romero

- Jun 12
- 2 min read
[DENISE]
Kinilala ng Time Magazine ang isandaang sports icon na naging pinaka-influential ngayong 2026.
Napabilang d'yan si LeBron James na itinanghal bilang "Athlete of the Century"! Narito ang Frontline report.
[ROLL VO]
Hindi lang hari ng court, pero hari ng isang siglo.
Si NBA Superstar, LeBron James, lang naman ang itinanghal na "Athlete of the Century" ng Time Magazine; Siya ngayon ang cover ng kauna-unahang Time100 Sports.
Iyan ang listahang kumikilala sa mga atleta, coach at iba pang personalidad na malaki ang naging ambag at patuloy na humuhubog sa Sports ngayon.
Bukod kay LeBron James, present din sa larangan ang apat na beses na nitong nakatapat sa NBA Finals na si Steph Curry.
Napasama rin diyan ang Football legends at rivals na sila Lionel Messi at Cristiano Ronaldo na halos dalawang dekada nang naglalaro.
Sa baseball naman, tampok diyan si Japanese Rising Star, Shohei Ohtani, na kinilala sa kaniyang pangmalakasang fastball hits at homeruns!
Usapang Pinoy Pride naman: Nakabilang din diyan ang Fil-Am sports journalist na si Pablo Torre, na nanalo ngayong taon ng Pulitzer prize.
Sa Women's Tennis -- Kinilala naman ang Belarusian player na si Aryna Sabalenka na kasalukuyang Number 1 sa World Rankings ng WTA at merong 24 championship titles sa Singles.
Naisama rin sa listahan si Olympic Pole Vaulter, Armand Duplantis, na nakilala dahil sa kaniyang World-Record breaking performances.
Hindi naman nagpapahuli ang Esports kung saan itinanghal si Faker ng South Korea; Nanalo na siya ng anim na World Titles sa larong League of Legends.
Pati si Price Harry ng UK, kinalala para sa pagtatag ng Invictus Games Foundation. Isa 'yang organisasyong naghohost ng multi-sport event para sa mga military veterans na paraplegic.
Magsasama-sama ang mga pinarangalan sa Time100 Sports Gala sa New York City -- Sa Amerika sa July 16.
[END]
Publication Details
Aired at TV5 - Frontline Pilipinas
Released in June 12, 2026
Reported by Faye Tobias
Produced and Written by Mark Romero
Newscasted by Denise Tan
Edited by Erika Factor
Original News: Click Here



Comments