Panghoholdap ng riding-in-tandem sa senior citizen, sapul sa CCTV
- Mark Romero

- Jun 12
- 1 min read
[CHERYL]
Nasapul sa CCTV ang riding-in-tandem na nangholdap ng senior citizen sa Cavite City; Napag-alamang may pagkakatulad ito sa nangyari ring panghoholdap sa ibang barangay.
Narito ang Exclusive, Frontline report.
[ROLL VO]
Dis-oras na ng gabi sa kalsadang ito sa Barangay 22 sa Cavite City nang biglang...
Mala-action star ang angkas ng motorsiklo na umaandar pa pero bumaba na sabay tutok ng baril sa babaeng mag-isang naglalakad!
Kinuha ng holdaper ang bag ng biktima. Pumalag naman ang babae at nagpambuno sila. Pero nakakaiwas ang kawatang backride hanggang muli siyang makasakay sa motorsiklo sabay alis.
Nakahabol pa ng hampas ang biktimang napag-alamang senior citizen! Pauwi raw siya noon sa kanilang bahay, nang mangyari ang panghoholdap.
...
Nang reviewhin ng mga taga-barangay ang CCTV na tila may kasabwat na isa pang riding-in-tandem ang mga umatake sa biktima! Posibleng lookout ang mga 'yan.
...
Ang nangyari sa biktimang senior citizen, ay may pagkakahawig daw sa nangyaring holdapan sa kabilang barangay nitong nakaraang buwan.
Nahagip din daw 'yan sa CCTV, at ang nabiktima ay isang guro.
...
Sa ngayon, inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga sangkot sa holdapan.
Publication Details
Aired at TV5 - Frontline Pilipinas
Released in June 12, 2026
Reported by Malu Echevarria
Produced and Written by Mark Romero
Newscasted by Julius Babao
Edited by Erika Factor
Original News: Click Here



Comments