top of page

Labi ni Rene Baterbonia, pinaglamayan ng kaniyang ina at dating teammates

  • Writer: Mark Romero
    Mark Romero
  • Jun 10
  • 2 min read

[JULIUS]

Nakaburol na ngayong sa Quezon City ang labi ng Ateneo Student-Athlete na si Rene Baterbonia; Ang ina at dating mga teammate ng yumaong atleta, labis ang panlulumo sa kaniyang pagpanaw.


Live mula sa Quezon City, Nasa Frontline ng balitang 'yan si Mon Gualvez. Mon, sino-sino ang mga nakita mong nakiramay diyan?


[TOSS TO LIVE]

  • ANNOT: Yung mga visitors sa lamay please


[NATSOT THEN ROLL VO]

Kahit sa likod ng mga pader, maririnig ang malakas na iyak at sigaw ng nanay ng nakaburol ngayon na si Rene Baterbonia sa Quezon City. Nakasabit pa sa kabaong niya ang dalawang jersey ni Rene noong high school.


Isa si Rene sa dalawang nasawing student-athletes ng Ateneo De Manila University, kasama ang Nigerian national na si Divine Adili, habang nasa team-building activity ng basketball team noong Lunes.


Sa muling pagharap sa media ng pamilya ni Rene, tila naubos na ang luha raw ng ina nito. Ilang beses daw pinaliwanag sa kanila na walang suot na ankle weights o pampabigat sa paa ang mga players.


Aksidente lang daw ang nangyari.


...


Nilinaw din ng pamilya ni Baterbonia na marunong naman lumangoy si Rene.


Pero paliwanag daw sa kanila ng mga kasamang coach, sunod-sunod na malalaking alon ang narasan ng kanilang team.


...


Kinumpirma rin daw sa kanila na mula 2017, ay ginagawa nang mala-bootcamp na uri ng training ang basketball team.


...


Sa ngayon, sinagot ng unibersidad ang burol ni Rene sa Quezon City, handa rin daw nilang sagutin pati ang pagbiyahe ng labi sa oras na dalhin sa probinsya. Kabilang sa mga nakiramay sa burol ni Rene, ang mga dati niyang teammate noong high school.


...


Bilang bahagi ng basketball community, nag-abot din ng pakikiramay ang Presidente ng Mediaquest at Samahang Basketbol ng Pilipinas na si Ricky Vargas.


Sa kaniya namang X account, nag-post din ang SBP Chairman na si Manny V. Pangilinan; Nilarawan ni MVP, na 'men of promise' ang dalawang atleta na nagbigay ng liwanag sa mundo.


Ang kanilang ala-ala, ay patuloy raw na dadalhin ng mga nakakakilala sa kanila.


[TOSS TO LIVE]

  • ANNOT: Updates diyan sa wake after VO

  • ANNOT: Any info regarding Adili

  • ANNOT: Plans ng Baterbonia Family




Publication Details

Aired at TV5 - Frontline Pilipinas

Released in June 12, 2026

Report by Mon Gualvez

Produced and Co-Written by Mark Romero

Newscasted by Julius Babao

Edited by AJ Tuason

Original News: Click Here


Comments


  • Grey Twitter Icon
  • Instagram
  • LinkedIn

© 2026 by Mark Romero. Proudly created with Wix.com

bottom of page