top of page

90 pamilya, nasunugan

  • Writer: Mark Romero
    Mark Romero
  • Apr 16
  • 1 min read

[JULIUS]

Siyamnapung pamilya ang nasunugan sa Tondo, Maynila; Habang dalawang residente naman ang sugatan. Nasa Frontline ng balitang 'yan si Dave Abuel.


[ROLL VO]

Nagliliyab ang mga kawad ng kuryente habang tinutupok ang mga nasusunog na bahay sa Sevilla Street, Tondo, Maynila kagabi.


Kasabay niyan ang matinding usok at naglalakihang apoy na lumalamon sa mga bahay. Sa tindi ng sunog, nag-kulay kahel na ang buong paligid.


Rinig naman ang maya't mayang dating ng mga bumbero; Ayon sa Bureau of Fire Protection, umabot sa ikatlong alarma ang sunog. Nasa dalawampung bahay ang natupok. Kasama sa mga nasunugan, ang magulang ni Rensie Martinez.


...


Maga-alas diyes na kagabi ng maideklara itong fire out.


Dalawang residente ang nagtamo ng minor injuries. Nasa siyamnapung pamilya ang apektado ng sunog.


...


Aabot sa P450,000 na halaga ng mga ari-arian ang napinsala ng sunog. Inaalam pa ang sanhi nito.


[EXTRO THEN END]



Publication Details

Aired at TV5 - Frontline Pilipinas

Released in April 16, 2026

Report by Dave Abuel

Produced by Mark Romero

Newscasted by Julius Babao

Edited by AJ Tuason

Original News: Click Here





Comments


  • Grey Twitter Icon
  • Instagram
  • LinkedIn

© 2026 by Mark Romero. Proudly created with Wix.com

bottom of page