Anghit, paano nga ba mabi-beat ngayong tag-init?
- Mark Romero

- Apr 8
- 2 min read
[CHERYL]
Mga kapatid, kili-kili check muna tayo ngayong tag-init! Alagaan po natin ang ating sarili para di kumapit ang anghit.
[JULIUS]
Kung paano mabi-beat ang anghit, alamin sa Frontline report ni JC Cosico.
[ROLL VO]
Ngayong sobrang init, talagang hindi maiiwasan na pag-pawisan at manlagkit. Literal, hawak mo anghit! Sa amoy mo, may mga naba-badtrip.
Kaya ang ilan ating mga kapatid, kanya-kanyang diskarte para iwas body odor o anghit. Ang motor-taxi driver na si Jesse naliligo raw muna bago mamasada.
...
Ang diskarte naman ng mga tsuper na si Emerson at Encio, naglalagay din daw sila ng deodorant.
...
Maraming dahilan kung bakit nagkakaroon ng anghit o mabahong amoy sa katawan ang tao; Una, pag sobra kang pawisin at hindi ka malinis sa iyong katawan.
...
Pati ang diet o mga kinakain at iniinom natin, pwede rin maka-apekto sa amoy ng ating katawan. Gaya ng sobrang pagkain ng mga maaanghang, pati yung mga rich in sulfur tulad ng bawang o sibuyas.
...
Pero ang pagkakaroon ng body odor, posibleng senyales din daw ng ibang sakit gaya ng hyperthyroidism at sakit sa bato at atay. Madalas hindi daw namamalayan ng isang tao na meron siyang body odor, dahil sanay na siya sa amoy ng kaniyang katawan.
Pero naaamoy yan ng ibang tao sa paligid mo -- Kaya paano mo ba sasabihin sa kaibigan o kamag-anak mo na meron silang hindi kaaya-ayang amoy? Payo ni dok, do it privately.
...
Kaya ang payo ni dok para iwas-anghit ngayong tag-init, gawing regular ang pag-ligo, gumamit ng tawas o deodorant, bawasan ang pagkain ng maaanghang at pag pinawisan magpalit agad ng preskong damit.
[EXTRO THEN END]
Publication Details
Aired at TV5 - Frontline Pilipinas
Released in April 8, 2026
Report by JC Cosico
Produced by Mark Romero
Newscasted by Cheryl Cosim & Julius Babao
Edited by AJ Tuason & Ryan Juego
Original News: Click Here



Comments