Cayetano, Padilla, at Aplasca, inireklamo ng obstruction of justice sa naging pagtakas ni Sen. Bato
- Jun 3
- 2 min read
[CHERYL]
Sinampahan sa Ombudsman ng reklamong 'Obstruction of Justice' sina Senators Alan Peter Cayetano at Robin Padilla.
Ayon sa kowalisyong Tindig Pilipinas, tumulong umano sila na makatakas si Senator Bato Dela Rosa. Nasa Frontline ng balitang 'yan si Camille Samonte.
[ROLL VO]
Halos tatlong linggo noong sumibat sa Senado si Senator Bato Dela Rosa; Nagtungo ngayong araw sa Office of the Ombudsman ang kowalisyong Tindig Pilipinas para maghain ng reklamong Obstruction of Justice --
Laban kina Senate President Alan Peter Cayetano, Senator Robin Padilla at sa suspendidong Sergeant-at-Arms na si Mao Aplasca.
Kaugnay yan ng umano'y pagtulong nila para makatakas sa Senado si Dela Rosa at hindi maisilbi ang warrant of arrest ng ICC.
Ayon kay Tindig Pilipinas Convenor, Kiko Aquino Dy, maituturing na Obstruction of Justice ang ginawa ni SP Cayetano, nang ilagay niya si Bato sa protective custody ng Senado.
Tila naging instrumento rin daw ang nangyaring barilan sa pangunguna ni Aplasca para makatakas si Bato.
Gayundin ang paggamit ng sasakyan ni Padilla para makalabas ng Senado si Senator Bato.
...
Samantala, pinuna rin ni Dy ang pag-boycott sa sesyon sa Senado ni SP Cayetano at kaniyang mga kasamahan; Suportado raw ng Tindig Pilipinas ang panawagang mag-resign si Cayetano bilang Senate President.
...
Kasabay niyan, nagbigay rin ang Tindig ng kopya ng kanilang reklamo sa ICC para malaman nila ang ginawa ng mga Senador; Sa ngayon, wala pang pahayag sila Cayetano, Padilla at Aplasca.
[END]
Publication Details
Aired at TV5 - Frontline Pilipinas
Released in June 3, 2026
Report by Camille Samonte
Produced and Co-Written by Mark Romero
Newscasted by Cheryl Cosim
Edited by AJ Tuason
Original News: Click Here



Comments