Computer shop, hinoldap ng mga lalaking nagpakilalang mga pulis
- Mark Romero

- May 27
- 1 min read
[CHERYL]
Nasapul sa CCTV ang isang computer shop sa Cebu, na hinoldap ng mga armadong lalaki; Ang mga salarin, nagpakilala na mga pulis na magre-raid umano sa lugar.
Na-a sa Frontline ning balita si John Aroa ng News5 Visayas!
[ROLL VO]
Sapul sa CCTV ng computer shop na ito ang mga lalaking naka-helmet. Ang isa sa kanila, kitang may dalang baril!
Ang mga customer pinaupo at isa-isang kinuha ang mga cellphone at gamit. Pati ang babaeng customer, hindi nakaligtas! Pinapahubad pa ang suot ng isang lalaki at itinuro ang CCTV sa lugar.
Nang mapansin ito ng mga suspek, agad nila itong ibinaling sa ibang direksyon.
Pinuntahan ng News5 ang computer shop na 'yan sa Talisay, Cebu!
Sa ekslusibong panayam sa may-ari na si Myrna, pitong lalaki raw ang dumating at nagpakilalang mga pulis; Nagsagawa raw sila ng raid. Pero bakit tila astang kriminal ang mga lalaking iyon?
[ROLL SOT]
Hindi na nakunan sa CCTV, pero dinakip daw ang pitong customer na kinalauna'y pinakawalan din. Sinubukan namin makapanayam ang Talisay City Police.
Pero hindi muna sila nagpaunlak ng interview.
Pero siniguro nila na iniimbestigahan ang alegasyon na mga pulis umano ang mga salarin! Nilinaw nila na wala silang isinasagawang operasyon sa araw na nangyari ang krimen.
Nakarating na 'rin sa lokal na pamahalaan ang insidente.
[ROLL FONER SOT THEN END]
Publication Details
Aired at TV5 - Frontline Pilipinas
Released in May 27, 2026
Report by John Aroa
Produced and Co-Written by Mark Romero
Newscasted by Cheryl Cosim
Edited by AJ Tuason
Original News: Click Here



Comments