Informal settlers, tinakpan umano gamit ang tarpaulin sa gitna ng ASEAN Summit 2026
- May 7
- 2 min read
[CHERYL]
Tinakpan ng tarpaulin ang isang kilometrong bahagi ng South Road Properties sa Cebu, para itago umano ang mga informal settler sa delegates ng ASEAN Summit.
Na-a sa Frontline ng balita si John Aroa ng News5 Visayas; John, ano ang reaksyon ng mga residente d'yan?
[TOSS TO LIVE]
Cheryl, marami ang hindi natuwa matapos takpan ng tarpaulin ng ASEAN ang bahagi ng South Road Properties dahil ginawa umano ito, para hindi makita ng mga delegado ng ASEAN Summit ang mga informal settler na nakatirik sa coastal areas at ang mga tone-toneladang basura na nagpalutang-lutang sa tubig sa lugar.
[ROLL VO]
Ito ang bubungad sa mga motorista sa bahaging ito sa South Road Properties sa Cebu City; Mga tarpaulin ng ASEAN Summit na nagpapakita ng mga tourist attractions sa Cebu.
Pero marami ang hindi natuwa rito dahil tingin ng ilan, inilagay ito para takpan ang itsura ng kahirapan. Sa likod nito, tone-toneladang basura at informal settler.
Depensa naman ni Asec. Dominic Javier Imperial, ginawa lang ito para makahikayat ng investments ang bansa.
...
Bukod dito, maraming mga negosyante ang umaaray dahil apektado raw ang kanilang kabuhayan. Matumal raw kasi ang mga turistang bumibisita sa Mactan Shrine dahil isinasara ang ilang daan papunta doon tuwing may darating na delegado sa ASEAN.
Tulad kay Nanay Hilda na wala pang kinikita.
...
Nananawagan sila sa pamahalaan, na bigyan naman sila ng ayuda kahit papano para makatawid man lang ang kanilang pamilya sa gutom.
...
[TOSS TO LIVE]
Cheryl, hindi na natin napuntahan dahil sarado ang daan pero may mga water activities rin tulad ng diving at island hopping na malapit sa venue ng ASEAN Summit ang itinigil muna ang kanilang operasyon dahil nga sa security.
Kaya problema rin ng mga tourist guides at operators ang kanilang pagkakakitaan. Sa panayam naman natin kay Mayor Cindi Chan ng Lapu-Lapu City, nangako naman silang tutulungan ang kanilang mga residente na naapektuhan ng restrictions dahil sa ASEAN Summit.
Para naman sa ilang mga residente ng Lapu-Lapu City, magtitiis muna sila dahil pansamantala lang naman ito; Bukas naman ang main event ng ASEAN Summit 2026 dito sa Lapu-Lapu City, Cebu.
Balik sa'yo, Cheryl.
Publication Details
Aired at TV5 - Frontline Pilipinas
Released in May 7, 2026
Live Report by John Aroa
Produced and Co-Written by Mark Romero
Newscasted by Julius Babao
Edited by AJ Tuason and Erika Factor
Original News: Click Here



Comments