Kawatan na nagnakaw ng wire sa loob ng Ayala Tunnel, kalaboso
- Mark Romero

- May 26
- 1 min read
[CHERYL]
Arestado ang isang lalaki na nahuling nagnakaw ng kable sa Ayala Tunnel, sa Makati City.
[ROLL SILENT]
Sa kuha ng CCTV, makikita kung paano hinugot ng lalaki ang wire sa itaas ng tunnel at pinagputol-putol ito; Namataan naman ito ng CCTV Operator kaya inaresto agad ang suspek pagkalabas nito sa lagusan.
Nahuli sa kaniya ang bag kung saan inilagay niya ang putol-putol na kable. Nasa kustodiya na ng Makati Police ang suspek at mahaharap sa kaukulang reklamo.
Publication Details
Aired at TV5 - Frontline Pilipinas
Released in May 26, 2026
Produced and Written by Mark Romero
Newscasted by Cheryl Cosim
Edited by Erika Factor
Original News: Click Here



Comments