Kawatan, nagtago sa ilalim ng kama; suspek, kaanak ng biktima
- Mark Romero

- May 28
- 1 min read
[MATTEO]
May magnanakaw sa ilalim ng kama!
Ganiyan nabisto ang isang menor de edad na pumasok sa isang bahay sa Davao del Sur! Eto ang plot twist -- Ang suspek, kaanak pala ng may-ari ng bahay!
Ani-a sa Frontline sa balita si Bryll Montalvo ng News5 Mindanao!
[ROLL VO]
Sa loob ng kanilang bahay sa Hagonoy, Davao del Sur -- Kumuha ng ilaw ang lalaking ito na may hawak ding kutsilyo.
Isang babae naman ang may dalang kahoy na pamalo, habang ang isang babae ang nakaabang. Pumunta sila sa isang kwarto at tila may hinahanap.
Nang sumilip ang lalaki sa ilalim ng kama...
[UP NATSOT]
May nakita silang taong nagtatago!
Napaatras ang mga babae. Isa sa kanila, hindi na'rin mapigilang sumigaw.
[UP NATSOT]
Kwento ng lalaki na nasa video, pag-uwi nila galing trabaho: Nakita nilang nagkalat na ang mga gamit sa kwarto. Tanging ang kanilang mga magulang na senior citizen ang naiwan sa bahay, at hindi nila napansin na may pumasok na palang kawatan.
[PAUSE FOR SOT]
Agad silang tumawag ng pulis at hinuli ang suspek. Ang nanloob pala sa bahay -- ang 13-anyos nilang pamangkin.
Ayon sa mga pulis, notoryus na ang binatilyo sa pagnanakaw sa kanilang lugar.
[PAUSE FOR SOT]
Nai-turnover na ng mga pulis sa DSWD ang menor de edad.
[EXTRO THEN END]
Publication Details
Aired at TV5 - Frontline Pilipinas
Released in May 28, 2026
Report by Bryll Montalvo
Produced and Co-Written by Mark Romero
Newscasted by Matteo Guidicelli
Edited by Erika Factor and AJ Tuason
Original News: Click Here



Comments