top of page

Lalaking nagnakaw ng mga brief at namboso umano sa isang dorm, sapul sa CCTV

  • Writer: Mark Romero
    Mark Romero
  • Jun 2
  • 2 min read

[CHERYL]

Nagkaka-nakawan daw ng mga brief sa ilang dormitoryo sa Cebu City; Nawawala rin ang iba pang gamit ng mga estudyanteng marino!


Kaya naman, may naglagay ng hidden camera para matukoy kung sino ba ang kawatan; Na-a sa Frontline ning balita si John Aroa ng News5 Visayas! Exclusive!


[ROLL VO]

Sa kuha ng CCTV, pasado alas-otso ng umaga ng May 27 --


Makikita ang lalaking ito sa loob ng isang dormitoryo sa Barangay Parian sa Cebu City, na hindi mapakali at sumisilip pa sa loob ng kwarto.


Maya-maya pa pumasok na ito, kumuha ng upuan, at tsaka lumabas. Ilang saglit lang, pumasok ulit ito sa kwarto at agad lumabas. Napansin pa nga nito ang CCTV at tsaka umupo!


Halos mag-iisang oras na nung makita ang lalaki na pumasok ulit sa kwarto, dala ang upuang inilabas niya kanina, sumampa siya rito at paglabas may bitbit na'rin siyang clip fan.


Ang sumunod na eksena, sinuway na ng isang nangungupahan sa lugar ang lalaki na may bitbit nang bag! Dahil sa kaduda-duda raw nitong mga kilos!


Pero depensa ng lalaki, may kakilala raw siya sa lugar kaya hindi na ito inusisa pa.


Bago 'yan alas-sais ng umaga sa parehong araw, namataan na rin ang suspek na umaaligid sa ibang dormitoryo. Makikitang pasilip-silip pa siya sa kwarto! Namukhaan ng mga tenant ang lalaki na minsan na ring pumunta sa dorm.


Kaya nagset up sila ng camera at kinumpronta ito.


Sa backtracking ng mga kuha ng CCTV, nakumpirma na kawatan talaga ang lalaking yan! Una na raw itong namataan noong May 25 na umaaligid sa naunang dorm.


Karamihan sa kaniyang mga ninakaw, mga brief umano ng tenants na karamiha'y Marine Students! Bukod d'yan nahuli rin daw ang lalaki na namboboso.


Nang busisiin pa ang CCTV, nakitang kinukunan din ng lalaki ng larawan ang mga lalaking border, na ipinapadala umano ng suspek sa isang messaging app.


...


Si Daniel, nabiktima rin umano ng suspek!


...


Wala raw mahalagang gamit na nawala sa kanila. Pero nababahala ang mga tenants sa lugar na baka gamitin sa pangba-blackmail ang mga litrato nila.


...


Inilapit na ng News5 ang insidenteng yan sa Cebu City LGU, nakakabahala raw ito at dapat imbestigahan ng pulis.


Nananawagan din ang mga biktima kung sino daw ang makakakilala raw sa lalaki na ipagbigay agad sa awtoridad!


[EXTRO THEN END]




Publication Details

Aired at TV5 - Frontline Pilipinas

Released in June 2, 2026

Report by John Aroa

Produced and Co-Written by Mark Romero

Newscasted by Cheryl Cosim

Edited by Erika Factor and AJ Tuason

Original News: Click Here


Comments


  • Grey Twitter Icon
  • Instagram
  • LinkedIn

© 2026 by Mark Romero. Proudly created with Wix.com

bottom of page