Pinoy rapper na si Hev Abi at 6 na kasamahan, inaresto ng mga pulis
- Mark Romero

- Apr 16
- 1 min read
[JULIUS]
Inaresto ang rapper na si Hev Abi, matapos makitaan ng baril at mga ilegal na droga sa loob ng kaniyang apartment.
Ang mga pulis, may buwelta sa mga nagsasabing baka nagtanim lang daw sila ng ebidensya.
Narito ang Frontline report.
[ROLL VO]
Sa video na ito, makikita ang apartment ng pinoy rapper na si Hev Abi na pinasok ng mga pulis; Maya-maya pa may nakita na silang baril sa lapag ng kaniyang bahay.
Bukod sa baril at mga bala nito, nakumpiska rin ang mga cartridge na naglalaman ng marijuana, drug paraphernalia at apat na sachet ng hinihinalang cocaine.
Drinug test rin si Hev Abi at nag-positibo sa paggamit ng shabu at marijuana.
Bagamat may mga nagsasabi na tinanim lang ito ng mga pulis sa rapper, tugon nila:
...
Naaresto din ang anim pang indibidwal na kasama ni Hev Abi sa kaniyang bahay. Meron pang dalawang kasabwat na hindi nahuli na kakasuhan din.
Nasa kustodiya na ng pulis ang mga naaresto. Mahaharap ang mga ito sa kaukulang reklamo.
[EXTRO THEN END]
Publication Details
Aired at TV5 - Frontline Pilipinas
Released in April 16, 2026
Report by Ian Suyu
Produced by Mark Romero
Newscasted by Julius Babao
Edited by AJ Tuason and Erika Factor
Original News: Click Here



Comments