Scam operations sa online games at iba pang online pambubudol, nabisto ng NBI
- Mark Romero

- May 20
- 2 min read
[JULIUS]
Kaliwa't kanang online scams ang nabisto ng National Bureau of Investigation o NBI; Marami sa mga operasyong 'to, nangpupuntirya ng mga biktima sa online games.
Nasa Frontline ng balitang 'yan si Dave Abuel.
[NATSOT THEN ROLL VO]
Sinalakay ng National Bureau of Investigation o NBI ang mga ilegal na opisinang 'yan sa Imus, Cavite -- Ang mga nahuli nila sa loob, mga empleyado ng operasyon at ilang maga-apply pa lang sana sa trabaho.
Kasama rin sa mga naaresto ang ilang Korean nationals.
Modus ng mga inaresto ay mang-scam sa isang online game -- Nagbebenta ng mga ito ng account at mga item sa laro sa mas mataas na halaga.
Pag nakubra na ang bayad sa mga biktima, irereport nito ang binentang account para bumalik sa mga scammer ang ownership nito at walang mapala ang buyer.
[TRANSITION]
Ganyan din ang modus ng isa pang sinalakay na operasyon sa Angeles, Pampanga; Sangkot din ang dalawang Korean nationals diyan.
[TRANSITION]
Sa isang condo sa Makati City, iba ang pakulong gaming scam ng anim na mga Vietnamese na nadakip. Ang operasyon nila, walang ibinibigay na panalo sa mga nananalo sa online game nila.
...
[TRANSITION]
Sa Paranaque naman, love scam at investment fraud ang nabistong modus na isang ahensya. Nanggogoyo ang mga suspek ng mga pinoy at foreigner na mag-invest sa pekeng cryptocurrency.
Dalawang Chinese national, isang Malaysian at ilang pinoy ang nahuli mula r'yan.
...
Kahapon sama-sama ang mga nahuling scammer na iprinesenta ng NBI sa media. Mahaharap sila sa mga patong-patong na reklamo.
[END]
Publication Details
Aired at TV5 - Frontline Pilipinas
Released in May 20, 2026
Report by Dave Abuel
Produced and Co-Written by Mark Romero
Newscasted by Julius Babao
Edited by Erika Factor
Original News: Click Here



Comments