top of page

Taiwan, handa raw sakaling atakehin ng China

  • Writer: Mark Romero
    Mark Romero
  • May 28
  • 2 min read

[MATTEO]

Sa gitna ng Taiwan-China conflict, naghahanda na raw sa giyera ang Taiwan! Kung sakali, damay tayo d'yan.


Nasa Frontline balita si Marianne Enriquez.


[ROLL VO]

Matapos ang higit isang araw na standoff sa pagitan ng isang Taiwan Coast Guard vessel, at Chinese Coast Guard cutter malapit sa Pratas Island sa South China Sea nitong Sabado --


Kampante pa'rin ang Deputy Minister ng Taiwan Mainland Affairs Council, na hindi sila basta-basta aatakehin ng Tsina; Tuloy-tuloy din daw ang kanilang paghahanda at pagbili ng

mga gamit pandigma.


[PAUSE FOR NATSOT]

Kabilang sa kanilang mga binili ang HIMARS o yung Artillery Rocket System na ginamit na'rin sa nakalipas na balikatan exercises ng Pilipinas at Amerika.


Kasabay n'yan nilakihan din daw ng Taiwan ang pondo para sa kanilang Defense Department. Mula sa dating $20-Billion USD, itinaas na 'yan sa $31-Billion USD.


Ayon sa Maritime Affairs Expert na si Atty. Jay Batongbacal, maituturing na deterrent din ng Taiwan ang pag-usbong ng kanilang semiconductor industry.


'Yan yung materyal na ginagamit sa gadgets tulad ng cellphones, computers, appliances, mga sasakyan at iba pa.


Itinuturing ang Taiwan bilang pangunahing source ng semiconductors sa buong mundo, kaya sakaling atakehin ang pagawaan nito...


[PAUSE FOR NATSOT]

Itinuturin ng China na teritoryo ng Taiwan, bagay na matagal nang inaalmahan ng pamahalaan nito.


Kaya kung matuloy ang giyera ng dalawa: Ani Batongbacal, hindi maiiwasang madamay ang Pilipinas sa gulo. Strategic daw kasi ang ating lokasyon para sa mga kaalyado ng Taiwan.


[PAUSE FOR NATSOT]

Kaya welcome daw para sa Taiwan ang mga isinasagawang balikatan ng kanilang mga kaalyado; Gayundin ang mga itinalagang EDCA sites sa Cagayan.


[EXTRO SPIEL THEN END]




Publication Details

Aired at TV5 - Frontline Pilipinas

Released in May 28, 2026

Report by Marianne Enriquez

Produced and Co-Written by Mark Romero

Newscasted by Matteo Guidicelli

Edited by Erika Factor and AJ Tuason

Original News: Click Here


Comments


  • Grey Twitter Icon
  • Instagram
  • LinkedIn

© 2026 by Mark Romero. Proudly created with Wix.com

bottom of page